Basically kaya texting ang naisipan kong iblog dahil namimiss ko ng magtext. hehehe
Bakit nga ba tayo ngtetext?
Ito ay para maipalam natin sa isang tao(kakilala, kaibigan, kamag-anak or kahit sino pa man basta my number ka niya) ang gusto nating sabihin sa mabilis na paraan. It usually comes in handy especially kung my emergency.
But this days, especially sa mga teenager na kagaya ko, texting becomes a hobby. As in maya't maya ang text. Personally na experience ko na yan, un bang magkakasama na kayo sa school or sa gala paguwi ng bahay kayo-kayo parin ung magkakatext. Syempre, paguusapan niyo ung mga nangyari sainyo kanina lalo na pag may kilig moments(ayii) or awkward situations na nangyari. Talagang we just cant move on. Tapos kinabukasan pag nagkita-kita kayo, paguusapan niyo lang din ulet. hahaha ngayon ko lang narealize nakakabobo pala, I mean nagpakapagod ka pang magtext tapos paguusapan nio din pala in person.
Anyway here some kinds of texters na napansin ko:
*VAMPIRE:
Sila ung mga panggabi. Parang callcenter agent lang. Paghinanap mo sa umaga di mo mahagilap, pagdating ng gabi bigla n lang silang maglalabasan. 8 PM Onwards magtext hanggang makatulog ka na. Mahilig maghanap ng katext pagmadaling araw na, pagtinulugan mo nagagalit. hehehe paano gusto nilang may kasama sa pagpupuyat. Nandadamay pa.
*ONE WAY:
Puro GM(group message), minsan pasa ng quotes, pag tinext mo naman wala ng reply o kaya onti lang din naman sasabihin. For example magtetext siya, sabi wala siyang magawa, need or want ng ka PM(personal or private message). Edi syempre pag wala kang ginagawa rereplyan mo
P1: [sends gm]
P2: sige tara text tayo.
P1: gawa mo?
P2: ito nakatambay lang, kaw?
P1: nakahiga, walang magawa eh.. sino kasama mo?
P2: mga tropa ko
P1: ah ok =)
matapos kang bulabugin yun lang sasabihin. tsk* nu kaya un
*QUOTSERO:
forward ng forward ng quotes. O kaya naman nagpapapasa ng quotes. Kadalasan sila ung mga emo, pinapadrama ung buhay nila. Minsan nakakaasar pa kase mapupuno yung inbox mo ng message nila.
*PACUTE:
Using po and opo. Usually madalas gumagamit nito yung mga flirt, no offence. Tapos first time niyong magmimeet, syempre pacute effect pa, at the end of every sentence may po. hahaha pero it doesn't last naman eh, kase pagtumagal , yun bang close na kayo di na gagamit ng po yan, kadalasan nga magmumurahan pa kayo eh. peace*
*THE INVISIBLE:
Sadyang ang mga pinoy mahilig sa textmate, ewan ko ba kung bakit. Siguro talagang friendly lang ang mga pinoy. Dito nadiscover ang type ng texter na "The Invisible". Sila yung ang daldal sa text pero sa personal di mo na makausap. Paano sila ung mga quite or shy type, ang hirap iapproach.
*PARASITE:
Magte-text lang pag may kailangan. Wag na nating pahabain, in short mga user sila.
*VIP:
Ubod ng tagal magreply. Nangyayari naman to pagcrush mo yung katext mo, tapos siya wala namang feelings para sayo. Syempre ikaw naman tuwang tuwa na magkatxt kayo, kaya exited ka sa mga reply niya. Para sakanya wala namang dating yung pagtetext niyo kaya ang tagal niya bago magreply. So ang dating "I'd rather do something else than text with you". ouch naman
*DEDMA:
Same as VIP lang din. Dami ng tinext mo........."ah ok" lang ang reply! Wala lang talaga silang magawa kaya nageeffort silang replyan ka. Most common na reply nila includes "ah ok", "ahh", "ok", tawa like "haha" or "hehe" .. etc, "emoticons" at madami pa.
*PANG-ASAR:
kada text niya sa hulihan may isang sentence na maaasar ka! The point is tatablahin ka. Anu reason kung bakit nila ginagawa to? simple lang nagpapansin sila sayo. Maybe he/she likes you. The more they tease you, the more you'll reply to there text.
*NARRATOR
Madalas nakakaasar tong mga to. Kadalasan nangyayari to pag sobrang excite or stress ung tao, tapos di na siya makapagantay, nasa isip niya kailangan na niyang sabihin sayo kaya itetext na lang niya. Jusko, parang entry sa MMK sa sobrang haba, tatamarin ka na lang basahin. Minsan ung iba pa my iuutos sayo tapos itetext na lang nila yung instructions.Syempre pagnagmamadali ka di maiwasang magkamali ka, edi hindi pa kayo nagkaintindihan. Mauuwi pa argument. Suggestion lang, if may sasabihin kayo sa isang tao, its better na magkita na lang kayo , trust me mas magkakaintindihan kayo.
End lastly the ever so popular, JEJEMON and JEJEBUSTER.
*JEJEMON:
mga taong maarte magtext, iniiba nila Yung spelling para daw maganda tignan.
weh?? no offence to all jejemons out there pero di ako approve dun. kaya nga text eh, brief or short messages lang. Bukod sa pinapahaba niyo, nakakastress pang basahin. Lalu na pagnumbers ung ginagamit niyo.
*JEJEBUSTER
sila ung mga sinusumpa ung mga jejemon. hehehe. As in galit sila, pahirap daw kase. Don't worry its nothing personal naman eh, its just they hate the you text.
well thats about it.
may kulang pa ba? well at the moment sila lang naalala ko.
salamat sa magbabasa!
X.O.X.O

No comments:
Post a Comment